Sunday, April 4, 2010

Labels

Nung bata pa ako, di ko nakasanayan ang magbigay ng label sa mga taong nakapaligid sa akin. Malamang dahil na rin siguro sa papalit palit ng eskuwelahan ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mas mapalalim ang relasyon ko sa mga tao. Pero isa lamang iyan sa mga teorya ko ng mga dahilan kung bakit takot akong magbigay ng label sa isang tao.

Nung elementary, palagi akong nakakatanggap ng “Most Friendly” certificate. Ngayon ko lang narealize na parang ang inappropriate nun dahil kung tutuusin, wala naman talaga akong naging malapit na kaibigan nung mga panahon na yun. Pero naisip ko, pag bata ka, di mo naman pinoproblema ang mga bagay na yan. Nasanay akong mag isa. Kalaro ang sarili.

Siguro nga tumatanda na ako. Ewan ko ba bat pa ako nagbablabber tungkol sa bagay na ito.

Anyway, hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit takot na takot ang maglabel sa isang tao.

Hanggang close friend lang ang kaya kong mabigay. Naisip ko kasi dati, once naglabel ka ng isang tao sa buhay mo, magkakaron ka ng expectations. At pag may expectations, di maiwasang maupset. Yun ang paniniwala ko dati so never sumagi sa isip ko na bigyan ng titolo ang mga tao sa buhay ko. So parang, ang labas, lahat sila pantay pantay. Which is not that true. Hanggang sa nasanay na lang rin ako. Okay fine. Naisip ko hindi naman talaga siya importante.

Pero teka, importante nga ba talaga?

Kasi, nung high school, nagkaron ako ng mga taong naging sobrang malapit sa akin. Pero hindi ko sila nalabelan ever , hanggang sa hindi ko na sila gaanong nakakausap ngayon, di ko pa rin sila nabibigayan ng label. Feel ko feel nila natake for granted ko sila. Bat ba kasi importante para sa ibang tao na malabelan sila.

Lahat sila may bestfriend. Habang ako ay isang floater.

natapos ang high school, never akong naglabel na “bestfriend” sa isang tao kahit na sa definition ng iba ay nagkaron na ako ng ilan. Naisip ko, ang sama ko naman at sino ba naman ako para magkaron ng napakataas na standards.

baka siguro di ako naglalabel kasi parang feel ko napaka underrated ng word na bestfriend. Ito ay isang label na hindi dapat ito binibigay basta basta. Ito ay sacred. Para sa akin.

So yun, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako maglabel. Pero feel ko, dapat ginagawan ko na ito ng paraan kundi mawawala silang lahat sa buhay ko. Naisip ko, may mga tao naman talagang deserving na mabigyan ng label. Yung mga taong pwede mong tawaging “bestfriend” after all.

Shabu

Kamusta ka na diyan ? siguro sobrang high na high mo na diyan noh haha wala lang. hindi kita miss noh. Feel mo naman . deh, seryoso, miss na kita. Miss ka na namin. paminsan nga pilit ka naming makita sa ibang tao. at paminsan nakakalimutan ko bakit ka nga pala andiyan.

Alam kong hindi naging ganun katagal ang pagkakaibigan natin, pero nagmamatter ba talaga ang time shab? Diba hindi. Hindi naman nagmamatter kung gaano mo katagal na kilala ang isang tao basta bat naiintindihan niyo ang isa’t isa.

Nakakatawa lang isipin na bago pa man tayo naging magkaibigan ay sobrang kinamumuhian kita. Hindi ko kasi matanggap dati ang pag uugali mo. Saka ko lang naman nalaman na kakaiba ka pala. Anrami kong natutunan mula sayo. Hindi mo siguro yan alam pero yan, alam mo na.

Anrami kong gustong ikwento sayo. Gusto kong ipakilala sayo ang mga bagong kaibigan ko. Gusto kong ipakita sayo na marunong na akong sumayaw. Gusto kong sabihin sayo na nakapagpapiktyur ako kasama ang Jabbawockeez. Gusto kong sabihin sayo na gamit ko pa rin ang notebook na binigay mo sa akin nung birthday ko. Pero tinakpan ko na yung original cover kasi medyo nasira siya nung naging multi purpose siya, ginagamit ko rin kasi siyang payong. Gusto ko sabihin sayo na namimiss ko na ang pagiging bitch mo. At saka yung pagiging totoo mo, Kahit na mapride ka, nagagawa mo pa ring sabihin ang mga bagay na dapat sabihin. Gusto ko rin sabihin na, namimiss ko na yung pagiging henyo mo. Sa mga bagay bagay. Anrami mo kasing nasasabi. Parang anrami mong alam. Namimiss ko na yung aso mong si kaloy, yung mini pincher mong sobra kung manlaway.

Gusto ko rin pala sabihin sayo na hindi na ako galit sayo. Hindi na ako naiinis. Dati kasi hindi ko matanggap pano mo kami nakayanang ipagpalit. Paano mo kami nakayanang alisin sa buhay mo. Hindi ko matanggap na ganun mo lang kami kadaling iniwanan. Pero hindi ko alam shab, paminsan akala ko kilala na kita. Sinusubukan naman kitang intindihin. Pero alam ko, kung ano man iyang tumatakbo sa utak mo, alam ko lahat yan may rason. Tinanong mo nga sa akin dati bakit ang complicated ng tingin ng mga tao sa iyo when in fact sobrang simple mong tao. hindi ko na maalala ang sinagot ko pero alam kong hindi ko nasagot ng maayos ang tanong mo.

Feel ko shab pag andito ka, kakalabanin mo ang mga tibak. Haha. Anrami kasi nila dito eh. haha biro lang. alam mo may kaibigan ako dito na parang ikaw. Medyo parang nakikita kasi kita sa kanya eh. o baka hinahanap lang kita sa kanya. Pero sure akong hindi kayo magkakasundo . same jigsaw pieces don’t match together. haha

Masaya ka naman siguro diyan diba? Kahit na wala naman tayong means of communication ngayon nafefeel ko namang okay ka diyan at masaya ka. Sana lang para hindi masayang lahat ng sakripisyo mo diba?


May Kaibigan akong Tao

May mga taong naiintindihan mo, may mga taong hindi.

May mga taong akala mo naiintindihan mo, pero paminsan hindi.

May mga taong kilala mo, may mga taong feeling walang may kilala.

May mga taong nagaastang alam ang lahat, yun pala wala naman talagang alam na katotohanan.

May mga taong sobrang sensitibo, may iba na wala lang talagang pakialam.

May mga taong nagsasawalang bahala, yung iba sobra sobra kung sumakal.

May mga taong mapride, may mga taong nagpaparaya.

May mga tao mukhang tanga, may mga taong tanga lang talaga.

May mga taong maramot, may mga taong mapagbigay.

May mga taong nagpaparamdam, yung iba parang patay.

May mga taong mababaw, may mga taong malalim.

May mga taong nanguubos ng pasensya, may iba naman nagpapahaba.

May mga taong sumosobra na, may iba nakukulangan ka.

May mga taong kayang umintindi, may mga taong makitid ang pagiisip.

May mga taong nanakit, may mga taong nanlalambing.

May mga taong kaya mo pang pagbigyan, may iba na di mo na masakyan.

May mga taong di mo kayang saktan, may iba na wala ka lang pakialam.

May mga taong sobrang importante sayo, may iba parang wala lang.

May mga taong di mo pa nasasabihan na importante sila sayo, may iba na natetake for granted mo lang.

May mga taong nangiiwan, may mga taong andiyan lang.

Nakakapagpabagabag

Nakakapagbagapag

Nakakapapabagabag

Nakakapagbagabagag

Nakakapagpabababag

Pweh

Nakakabagpabagabag

Nakakapagpabagbag

Nakakapagpabagabag :D