Nung bata pa ako, di ko nakasanayan ang magbigay ng label sa mga taong nakapaligid sa akin. Malamang dahil na rin siguro sa papalit palit ng eskuwelahan ay hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na mas mapalalim ang relasyon ko sa mga tao. Pero isa lamang iyan sa mga teorya ko ng mga dahilan kung bakit takot akong magbigay ng label sa isang tao.
Nung elementary, palagi akong nakakatanggap ng “Most Friendly” certificate. Ngayon ko lang narealize na parang ang inappropriate nun dahil kung tutuusin, wala naman talaga akong naging malapit na kaibigan nung mga panahon na yun. Pero naisip ko, pag bata ka, di mo naman pinoproblema ang mga bagay na yan. Nasanay akong mag isa. Kalaro ang sarili.
Siguro nga tumatanda na ako. Ewan ko ba bat pa ako nagbablabber tungkol sa bagay na ito.
Anyway, hindi ko pa rin kasi lubos maisip kung bakit takot na takot ang maglabel sa isang tao.
Hanggang close friend lang ang kaya kong mabigay. Naisip ko kasi dati, once naglabel ka ng isang tao sa buhay mo, magkakaron ka ng expectations. At pag may expectations, di maiwasang maupset. Yun ang paniniwala ko dati so never sumagi sa isip ko na bigyan ng titolo ang mga tao sa buhay ko. So parang, ang labas, lahat sila pantay pantay. Which is not that true. Hanggang sa nasanay na lang rin ako. Okay fine. Naisip ko hindi naman talaga siya importante.
Pero teka, importante nga ba talaga?
Kasi, nung high school, nagkaron ako ng mga taong naging sobrang malapit sa akin. Pero hindi ko sila nalabelan ever , hanggang sa hindi ko na sila gaanong nakakausap ngayon, di ko pa rin sila nabibigayan ng label. Feel ko feel nila natake for granted ko sila. Bat ba kasi importante para sa ibang tao na malabelan sila.
Lahat sila may bestfriend. Habang ako ay isang floater.
natapos ang high school, never akong naglabel na “bestfriend” sa isang tao kahit na sa definition ng iba ay nagkaron na ako ng ilan. Naisip ko, ang sama ko naman at sino ba naman ako para magkaron ng napakataas na standards.
baka siguro di ako naglalabel kasi parang feel ko napaka underrated ng word na bestfriend. Ito ay isang label na hindi dapat ito binibigay basta basta. Ito ay sacred. Para sa akin.
So yun, hanggang ngayon nahihirapan pa rin ako maglabel. Pero feel ko, dapat ginagawan ko na ito ng paraan kundi mawawala silang lahat sa buhay ko. Naisip ko, may mga tao naman talagang deserving na mabigyan ng label. Yung mga taong pwede mong tawaging “bestfriend” after all.
No comments:
Post a Comment